Shop More Submit  Join Login
×

:iconnaiangloria: More from naiangloria


More from deviantART



Details

Submitted on
February 23, 2012
File Size
5.4 KB
Link
Thumb

Stats

Views
8,456 (7 today)
Favourites
0
Comments
0
×
Noong unang panahong likhain ang mundo. May dalawang mag-asawang sina Malakas at si Maganda na nakatira sa isang yungib. Masaya, malaya at namumuhay bilang mga imortal sa ibabaw ng lupa at hindi lingid sa kanilang kaalaman na sila pa lamang ang tao sa mundo. Sagana sila sa lahat ng bagay. Nariyan ang kanilang makakain, ang kanilang maiinom at ang mga matitirhan. Subalit tumatagal ang panahon tila ba lumulungkot ang kanilang buhay at para bang meron ng kulang. Napansin nila sa kanilang kapaligiran na napakarami ng magkakauri samantalang sila ay dadalawa lamang. Kaya binalak nilang humingi sa Diyos ng mga makakasama na  kauri rin nila. Pero ang Diyos ay nasa langit kaya umakyat ang mag-asawa sa tuktok ng bundok upang maabot ang langit at humiling sila sa Diyos. "Diyos naming maawain kami po'y nalulungkot at nalulumbay at nais po naming sumaya." Sabi ng mag-asawa.
Sumagot naman ang Diyos. "Bakit? Ano ba ang inyong nais kung gawin para sa inyo?" Tanong ng Diyos.
"Sa pagkat tumatagal ang panahon na kami lamang pong dalawa ang tao sa mundo nais po naming magkaroon ng mga katulad pa namin, nang sa gayon po ay maging ganap na masaya kami." Hiling ng mag-asawa.
"Maari ko kayong pagbigyan sa inyong kahilingan pero baka hindi ninyo naisin ang magiging kapalit." Sabi ng Diyos.
"Ano po bang magiging kapalit maawain naming Diyos. Kung ano po man ang magiging nais n'yong kapalit ito po ay maluwag naming tatanggapin."
"Ang kapalit na ito'y hindi ko hinihingi. Ito ay sad'yang kaakibat ng inyong kahilingan." Paglilinaw ng Diyos.
"Sabihin n'yo na po Diyos naming maawain."
Sumagot na muli ang Diyos. "Magiging sanhi ito ng hindi mapipigilang pagdami ng inyong lahi. Kung kayo ay dadami, kailangangang may hangganan. Sa bawat paglipas ng magiging panahong iyon, ang inyong katawan ay tatanda at mauuwi sa kamatayan. Makakaramdam ng matinding pagtangis ang inyong magiging kawangis na maiiwan."
Natakot ang mag-asawa. "Bakit naman po kami'y tatanda at mamamatay?"

"Sa pagkat ang buhay na ibabahagi ninyo sa inyong magiging mga anak ay magmumula rin sa inyo, kaya't ang pagiging imortal ng inyong mga katawa'y mawawala at magiging sanhi ito ng inyong pagtanda at pagkatapos ay kamatayan. Ganoon din ang magiging anak ng inyong mga anak sa magdaraan pang mga panahon. Dahil hung may mabubuhay kinakailangan ding merong mamamatay." paliwanag ng Diyos.

Napaisip ang mag-asawa at napagpasyahan nilang pag-usapan muna sandali ang bagay na ito kaya't silay'y nagpasin-tabi sa Diyos.

Makalipas ang ilang sandali...
"Aming Diyos... Sa pagkat ang mabuhay ng kami lamang dalawa dito sa mundo ay napakalungkot. Anong pagkakaiba ng kamatayan sa habang buhay na kalungkutan na aming nararanasan? Kaya napagpasyahan po naming tanggapin kung ano man ang magiging kapalit. Nais po naming magkaroon ng mga anak." Sagot ng mag-asawa.
Sumagot ang Diyos. "Kung gayon. Humayo na kayo at bumuo ng pamilya. Sapagkat ang punla sa inyo ay aking binuhay. Ang inyong mga buhay ay nahati-hati na para sa magiging bahagi ng inyong mga laman. Maging magulang kayo sa inyong mga anak at ituro ang tamang pamumuhay ng sa gayon sa kanila magiging ring mga anak ay may maituturo din sa kanila. At tandaan n'yo lagi n'yo akong ipa-alaala sa kanila ng maalala rin nila ako ng kagaya ng sa inyo.
Sa mga papanaw... ipaanod n'yo sila sa malawak na dagat at sa dulo'y sasalubungin ko sila at Ipaghahanda ko kayo ng bahagi sa aking kaharian."

Bumababa na ng bundok ang mag-asawa ng may galak sa mga puso at nagsimula na silang bumuo ng isang pamilya.

Lumipas ang maraming taon. Ang kahilingan ng mag-asawa na magkaroon ng mga anak ay natupad. Nagkaroon sila ng dalawampu't limang malulusog na mga anak. Lalaki at babae. Naging masaya ang kanilang buhay. Ang kanilang tahanan ay napuno ng kagalakan. Hindi rin nila nakalimutan ang bilin sa kanila ng Diyos. Subalit dumating ang panahon na kung saan ay matutupad ang sinasabing kapalit. Ang mga anak ay nagsilaki at ang mag-asawa ay tumanda hanggang sa bawian nga sila ng buhay.
Nalungkot ang mga anak. Ganoon na lamang ang kanilang mga tangis. Ipinas'ya nilang magkakapatid na ipaanod ang bangkay ng kanilang mga magulang sa pangpang. Isang napakalawak na lawa na tila walang hanggan at nakadikit sa langit. Dito nila ipapaanod ang mga magulang upang maglakbay patungo sa kinaruroonan ng Diyos.

Habang sila'y nasa pangpang, walang tigil ang kanilang pagtangis habang ang kanilang magulang ay itinataboy ng alon palayo sa kanila. Noon lamang sila nakadama ng ganoong pakiramdam. May mga mala kristal na likidong lumalabas sa kanilang mga mata at bumuhos ito sa tubig.

Lumipas ang mga maraming taon. Sila'y parami ng parami at utay-utay rin namang may pumapanaw sa katandaan. Paulit-ulit ang pangyayari at sa tuwing may papanaw, itoy ipinaaanod sa dagat upang doon sa dulong bahagi nito na nakadikit sa langit ay sasalubungin ito ng Diyos.

Isang araw, ang isa sa kapatid ay pumunta sa pangpang at doon naisipang sumalok ng tubig at ng ito'y matikman pagkatapos maiuwi sa bahay; nagtaka sila sa lasa. "Saan galing ito? Bakit maalat?" Katulad ng lasa ng tubig na lumabas sa kanilang mga mata noong panahong tumatangis sila sa pagkawala ng kanilang mga magulang. "Sa pangpang." Nalaman lahat ito ng mga tao noon. Naisip nilang dahil sa likidong lumabas sa kanilang mga mata kaya umalat ang tubig sa pangpang.

Kinausap nila ang Diyos tungkol dito. Tama nga ang kanilang hinala.

Sabi ng Diyos "Ang tubig ay umalat dahil sa mga likidong lumalabas sa mga mata ninyong mga anak ni Malakas at ni Maganda na nagmumula sa inyong mga puso at tinatawag ko itong luha. Ito'y maalat dahil sa labis na pighati at kirot sa damdamin na lumaya sa pamamagitan ng pag-luha na nabubuhos n'yo sa kulay bughaw, malawak at tila walang hanggang katubigan na nakadikit sa langit na tinatawag kong Dagat."



...Wakas...
No comments have been added yet.

Add a Comment: